Kahit napatawad sina Don Pedro at Don Diego, gusto pa nila makaganti kay Don Juan. Kaya isang gabi, may plano sina Don Pedro at Don Diego na sasama si Don Diego kay Don Pedro magtanod sa Ibong Adarna. Sinabi din ni Don Pedro kay Don Diego na si Don Juan ang susunod na magbabantay. Habang sa pagbabantay ni Don Juan, nakatulog siya. Habang siya’y natutulog, pinakawalan ni Don Pedro at ni Don Diego ang ibon. Pag-gising ni Don Juan, nakita niya na nakawala ang Ibong Adarna. Agad-agad siyang umalis a kaharian ng Berbanya. Nang nagising ang hari, nakita niya na nakawala ang Ibong Adarna. Tinanong ng hari kung nasaan ang ibon. Sinabi ng dalawang anak na si Don Juan ang nagtanod ng gabing iyon. Inutusan naman ng hari sa dalawang bata na hanapin si Don Juan. Naghanap sila kay Don Juan hanggang dumating sila sa Armenyang Kabundukan.