Kabanata 27

Sa araw ng pagkasal nina Don Juan at Donya Leonora ay dumating si Donya Maria. Nakasakay siya sa ising karosang walang papalag sa kagandahan at nagbihis siya ng isang emperatris. Sinusuot rin niya ang isang singsing na may mahika: lahat ng hinihiling ay nakukuha. Pagdating sa Berbanya ay sinalubong ng reyna at hari. Tinigil nila ang kasal para sa kanya at tinanong kung ano gagawin niya. Sinabi ni Donya Maria na mayroon siyang palabas na inihanda niya para sa kasal.

Mayroong magkasal na negrito at negrita at ang negrita ay may hinahawak na panghampas. Nagsimula na ang palabas at ang negrita ay tinanong ang negrito ng pangalan at kung kilala niya si Donya Maria pero sinabi ng negrito na wala siyang maalala. Tinanong ng negrita kung bakit niya nakalimutan dahil siya ang irog niya. Kwinento ng negrita ang mga ginawa ng totoong Donya Maria sa pagtutulong kay Don Juan sa mga pagsubok ng hari.  Hinampas ng negrita ang katawan ng negrito pero nasasaktan si Don Juan. Nagsayaw muli ang mga ita at ngayon naman ay tinanong ng negrita sa negrito kung naala niya ang pagtulong ulit ni Donya Maria kay Don Juan pero hindi parin niya maalala kaya hinampas muli. Nasaktan nanaman si Don Juan at tumayo siya sa sakit. Tinuloy ng negrita ang pagkwento sa mga ginawa ni Donya Maria sa tulong niya sa pagtatakas sa hari pero hindi parin maalala ng negrito at nasaktan muli si Don Juan. Tinuloy muli ang kwento at inilabas ni Donya Maria ang mga damdamin niya kay Don Juan at tinanong ulit sa negrito pero wala parin sa kanyang lirip. Nasaktan muli si Don Juan at natapos na ang palabas. Wala na ang dalawang ita at natitira lamang ang praskong balat ng pilak

 


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

%d bloggers like this: